Galing ako ng probinsya mula sa Cagayan.
Graduate ako ng Electrical Engineering sa probinsya namin.
Lumuwas ako sa Manila para magreview para sa board examination.
Kaya lang hindi ako nakapasa sa board exam.
Nagdadalawang isip ako noon kung babalik ba ako ng Cagayan or maghahanap na
lang ng trabaho sa Manila.
Nagdecide na lang ako na magtrabaho para makaipon para sa susunod na board
exam.
Kaya lang dalawang buwan na ako nag-aaply ay hindi pa rin ako natatanggap.
Marami naman tumawag sa akin para sa interview kaya lang nagiging priority
nila ang may lisensya at meron ng work experience.
Nauubos na ang allowance ko sa pamasahe, pagkain at bayad sa bed spacer na
boarding house sa Sampaloc.
Marami naman hiring sa Manila Bulletin Ads na naghahanap ng newly graduate
ng Electrical Engineering with or without license kaya lang hindi ako napipili,
siguro dahil sa graduate ako sa probinsya mas napapansin ang mga Manila
graduate.
Wala na akong pambayad ng boarding house sa susunod na buwan at paubos na rin
pambili ko ng pagkain.
Naisipan kong maghanap ng stay-in job na kahit na anong trabaho na.
Marami akong nakita stay-in tulad ng waiter. Pero mas napansin ko ang hiring
na houseboy sa isang exclusive village sa Makati.
Houseboy ang kailangan nila pero nakalagay ang maraming requirements.
Kailangan daw houseboy na may knowledge sa electrical at plumbing works, at
gardener.
Qualified na qualified ako sa electrical, plumbing at pati sa gardener dahil
magsasaka kami sa probinsya.
Pagdating ko sa bahay ng naghahanp ng houseboy ay nagulat ako dahil ang
daming aplikante.
Sabi ko sa sarili ko pati yata sa houseboy baka di pa ako ang
mapipili.
Kaya siguro ang dami nag-apply kasi nakalagay sa ads na high salary.
At nakausap ko mga ibang aplikante mga iba sa kanila ay mga college graduate
din at pareho kami ng situation.
Pinapasok na kami ng house guard sa waiting area malapit sa swimming pool.
Ang ganda ng bahay at napakalaki.
Dumating na ang may ari ng bahay. Mukha pa syang bata pero sabi ng guard
nasa 50 na raw.
Sya pala ay isang Electrical Engineer, at contractor ng mga bahay.
Nagsimula na ang interview. Sa tingin ko hindi mahilig sa pasikot sikot ang
may ari ng bahay. Kapag tanggap ka yata maiiwan ka muna. Pag hindi ay uuwi ka
na.
Mahigit 30 applicant kami at pang-28 ako. Marami ng pinauwe at meron ng apat
na hindi pa pinauwe.
Pagdating ng interview binati ko sya agad ng good morning sir.
Marami syang tanong. Personal at technical questions. Para kang nasa grand
finalist ng beauty pageant.
Ano ang gagawin mo pag pasok mo sa banyo ay madilim? Sagot ko agad, pundido
ang bombilya, ang una kong gagawin kuha ako ng bagong bombilya sa storage at flashlight
para icheck ang anumang problema sa loob ng banyo dahil madilim pa.
Kapag nakita mong malakas ang leak ng faucet, ano ang gagawin mo? Sagot ko hanapin
ko ang gate valve at isara ko muna para matigil agad ang tagas ng tubig bago ko
irepair.
Tinanong ako kung bakit ako nag-aapply na houseboy, sabi ko wala na akong
pambayad sa boarding house at wala na rin akong pamasahe pauwe ng probinsya.
Naubos na ang pera ko sa pag-aapply hindi pa ako natatanggap.
Paano pag wala ka pang isang buwan nagtratrabaho sa akin at biglang may
tumawag sa iyo at tanggap ka na sa malaking company na related sa course mo at
high salary?
Ang hirap yata ng tanong pang Miss Universe na.
Sagot ko, ipapaalam ko sa inyo, sir may tumawag sa akin na tanggap na raw
ako sa isang malaking company at high salary, yon ang sagot ko sir ipapapalam
ko lang sa inyo.
Napangiti sya sa sagot ko.
Paano pag hindi kita pinayagan? Sabi ko okay lang sir dito muna ako sa inyo.
Sayang yong pagkakataon mo? Okay lang sir marami pa naman darating na
pagkakataon bata pa naman ako.
Paano naman pag pinayagan na kita na umalis? Sagot ko agad, mamimiss ko kayo
sir. Napangiti sya uli.
Lima kaming natanggap. Para kaming Voltes 5.
Yong apat newly registered professionals, electrical engineer, civil
engineer, mechanical engineer at nurse. Katulad ko rin pala sila na nahirapan
mag-apply at naubos na ang allowance.
Yong apat na registered ay na-assigned sa bagong project ni sir sa Tagaytay.
Stay-in sila doon. Requirement ang nurse sa site just in case na may accident.
Akala ko mapapasama rin ako sa site.
Na-assigned nga ako na houseboy sa malaking bahay ni sir. Isa lang pala ang
kukunin na houseboy at ako yon. Kumbaga sa contest ng beauty pageant ako ang
nanalo, grand winner, Mr. Houseboy.
Gusto ko rin sana sa site lalo na sa Tagaytay, hindi pa ako nakapunta doon.
Sabagay houseboy naman talaga inaplayan ko saka wala pa akong lisensya.
Dapat maipasa ko muna ang board exam. Nainggit lang ako sa apat kong kasama.
Nasa kwarto na ako. May sariling banyo ang kwarto ko.
Masaya ako dahil may trabaho na ako. Hindi ko na problema ang pambayad sa
boarding house, pagkain at makaka-ipon na ako sa sahod ko.
Sigurado masasarap ang pagkain. Saka mas maganda pa ang kwarto ko kaysa sa
dati kong bording house lalo na ang banyo.
Isa pa ang guwapo ni sir. Type ko ang mukha nya pag ngumingiti. Kahit may
edad na mukha syang bata pa.
Mabait daw si sir pero mahigpit, istrikto, seryoso, at prangka kung
magsalita.
Nasa US pala ang pamilya nya, asawa’t apat na anak. Pabalik balik din sya sa
US pero mas gusto raw nya sa Pilipinas tumira lalo pag may project sya.
May apat na mga babae kasambahay tulung tulong daw silang apat sa
paglilinis, pagluluto at paglalaba. May isang driver. At dalawang security
guard, isa sa umaga, isa sa gabi. Lahat sila ay stay-in din.
Parang ang saya, para kaming isang pamilya. Dapat makasundo ko sila lahat. Lahat
pala sila ay mga kamag-anak ni sir sa probinsya.
Ang trabaho ko ay tagalinis ng swimming pool, gardener, tagabuhat pag may
mabibigat, tagatapon ng basura, maintenance taga-repair pag may mga sira.
Lagi palang umaalis si sir ng umaga, nagpupunta sa site. Madalas gabi na pag
umuuwe.
Ako ang nagbubuhat ng mga gamit nya na dadalhin sa site, nilalagay ko sa
sasakyan nya, may mga construction materials mostly electrical at mga tools
din.
Hindi ako natutulog hanggang hindi pa sya dumarating. Madalas din kasi may
mga dala syang bagong biling materials at tools, dinadala ko sa storage.
Kapag Sabado at Linggo naman ay hindi sya nagpupunta ng site pero madalas
din umaalis. Pumupunta sa mga kaibigan nyang mayayaman. Madalas daw naglalaro
sya ng golf.
Inaasikaso ko rin mga ibang dadalhin nya sa golf at iba pang gamit depende
kung saan ang lakad nila.
Lumipas na ang dalawang buwan.
Isang gabi ng Sabado. Alas 10 na wala pa rin si sir. Madalas kasi ang dating
nya, 8 or 9. Sabi ng guard huwag ko na raw antayin, matulog na raw ako. Sabi ko
baka magalit si sir.
Dumating si sir ng alas 12 hating gabi na. Sinalubong ko agad sya. Lasing
sya. Sabi ng driver nya naparami raw ng inom.
Nagulat na lang ako dahil nagalit sa akin si sir. Wala daw akong common
sense. Bakit daw hindi pa ako natutulog? Paano raw ako magiging engineer kung
hindi ako marunong magdesisyon? Hindi na raw dapat ako mag-antay ng ganitong
oras. Masyado kang sipsip sabi pa nya.
Napahiya ako. Hindi ako kumibo. Tahimik lang ako. Nagulat din ako dahil
first time kong mapagalitan. Pumasok na ako sa room ko. Napaiyak na lang ako sa
kwarto ko.
Hindi ako makatulog. Nasaktan ako sa sinabi ni sir. Gusto kong magalit sa
kanya pero hindi ko magawa. Tama naman sya. Dapat hindi na ako nag-antay. Pwede
naman ipagpabukas yong mga gamit na ibababa. Tama sya sumisipsip nga ako sa
kanya. Yon ang isang dahilan. Gusto ko kasi lagi akong masipag sa paningin nya.
Gusto kong isipin nya na maasahan ako kahit anong oras. Kaya lang napasama rin
ako sa kanya.
Ang totoo gusto ko talagang sumipsip sa kanya. Dahil si sir lang ang
inaasahan ko sa Manila. Sya ang makakatulong sa akin sa mga pangarap ko.
Kaya lang matalino talaga sya. Nabasa nya ang laman ng isip ko.
Kinaumagahan, nahiya akong lumabas ng kwarto ko. Parang nahiya akong
magpakita kay sir. Saka pakiramdam ko ay may tampo ako sa kanya. Hindi ako
galit pero parang naiinis din ako kay sir, nagtatampo ako sa kanya.
Hinahanap daw ako ni sir. Pumunta sa room ko ang driver. Wala daw silang
lakad ngayong Linggo. Kaya day-off ng driver. At si sir naman baka sa bahay
lang mag-stay buong araw.
Mabuti na lang day-off ko rin tuwing Linggo. Kadalasan kahit day-off
nagtratrabaho pa rin ako. Pero kung minsan lumalabas din ako ng bahay para
mamasyal sa mall.
Tinatanong daw ako ni sir pag kumain na ako.
Lumabas na ako ng kwarto ko. Baka sabihin paimportante ako, houseboy lang
naman ako.
Sumilip muna ako sa kusina. Ayaw ko kasi makita si sir. Pagsilip ko andon pa
si sir katatapos kumain, at eksakto na napatingin sya sa akin. Napa-atras ako. Nagtago
ako sa dingding na parang bata. Nahiya talaga ako sa kanya. Narinig ko na lang
ang boses nya na huwag daw akong pilitin pag ayaw kong kumain. Halatang
pinaparinig sa akin.
Bumalik na lang ako uli sa kwarto ko.
Pagkalipas ng isang oras gutom na talaga ako. Sumilip uli ako sa kusina.
Mabuti na lang wala na si sir. Kaya lang nasa kusina na ako saka ko lang
napansin na nasa sala sya at nagbabasa yata ng dyaryo.
Kumain na ako. Umupo ako patalikod para hindi ko sya nakikita.
Tapos na akong kumain. Hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Bigla kong
narinig ang boses ni sir. Bigyan ko raw sya ng tubig. Hindi ako sumagot pero
kumuha ako ng tubig.
Pag-abot ko sa kanya ng tubig nakatingin si sir sa akin, tumingin din ako at
napayuko.
Paalis na ako. Nakatalikod na ako. Bigla nyang sinabi na maupo ako.
May sasabihin daw sya.
Prangka talaga si sir. Saka sya ang boss kaya deretso sya magsalita sa akin.
Sinabi nya kapag galit daw ako sa kanya anytime daw pwede ako umalis sa
bahay nya. Ayaw daw nyang may nagagalit sa kanya sa pamamahay nya.
Nagulat ako sa sinabi nya. Napayuko na lang ako na halos mapaiyak. Sobrang
lungkot na ang mukha ko Napansin ko sa kanya na naawa rin sya sa akin.
Tumayo ako at prangka ko rin sinabi sa kanyang sige po aalis na ako kahit
mamimiss ko kayo sir, hindi po ako galit pero nagtatampo lang po ako sir. May
konting luha na tumulo sa mata ko. Nakita ni sir yon. Tumalikod na ako.
Parang nagisisi ako sa sinabi ko. Ayaw kong umalis. Nabigla lang ako kaya
nasabi ko na aalis na ako. Hindi naman nya ako pinapaalis. Sabi lang nya
anytime pwede ako umalis. Wala syang sinabi na umalis ka na sa bahay na ito.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayaw ko talagng umalis. Saan ako pupunta?
Hindi pa ako ready. Magtatlong buwan pa lang ako. Kulang pa ang naipon ko. Sana
pigilan nya ako. Sana may pumigil sa akin na huwag umalis. Kaya lang walang
pumipigil. Day off kasi ng driver baka tulog pa. Yong driver sana ang inaasahan
kong pipigil sa akin. Kailangan kong panindigan ang sinabi ko na aalis na ako.
Nagsisimula na akong mag-impake ng gamit. Tumutulo ang luha ko. Naalala ko
mga magagandang payo sa akin noon ni sir na maging masipag ako para umasenso,
kahit anong trabaho ay dapat gampanan ko ng maayos ang trabaho ko. Kaya nga
ginagampanan ko ang trabaho ko bilang houseboy. Sinabi nya sa akin na pag
darating sya ako ang magbababa ng mga gamit at dalhin sa storage. Ginawa ko
naman lahat ng utos nya. Siguro nagmukha akong sipsip sa paningin nya.
Saka sinabi nya sa akin dati na pag maganda raw ang performance ko sya na
raw ang bahala sa gastos ko sa review at board exam. Umasa ako sa sinabi nya na
tutuparin nya ang pangako nya. Kaya nagpakasipag talaga ako. Pero sa isang
iglap lang, nag-iimpake na ako at aalis na sa bahay nya.
Saka mamimiss ko na ang bahay na ito. Yong magandang samahan naming mga
kasamabahay para na kaming pamilya. Mamimiss ko sila lahat. At lalo na si sir
mamimiss ko sya. Mabait sya. Nagtampo lang ako.
Malapit na ako matapos mag-impake. Napansin kong parang may dumarating
papalapit sa kwarto ko. Sana gising na yong driver at sabihin huwag ako umalis.
Nagulat ako si sir ang dumating. Sabi ko sa sarili ko sana pigilan nya ako.
Tinawag ako ni sir at pinasunod sa office nya. May office si sir malapit sa
swimming pool.
Sinabi nya sa akin na hindi daw ako pwedeng umalis dahil may pinirmahan
akong kontrata na one year. Napangiti ako. Napansin ni sir yon. Hindi ko
mapigilang ngumiti. Kulang na lang tatalon ako sa tuwa. Kahit si sir napansin
ko rin na natuwa sya.
Bumalik na ako sa room ko at doon ako nagtatalon sa tuwa. Sa tingin ko okay
na kami ni sir at kailangan back to normal na rin ako. Wala ng tampo tampo.
Dagdagan ko pa ang sipag ko.
Kinaumagahan sinabi ni sir na kumain na raw ako at isasama nya ako sa site.
Hindi ako makapaniwala, isasama ako ni sir sa site, sa project nya sa
Tagaytay. Makakapasyal ako. Maganda raw sa Tagaytay.
Sa harap ako nakaupo. Si sir sa likod nakaupo. Walang nagsasalita. Ganito
kaya lagi hindi nag-uusap ang driver at si sir. Parang gusto ko magkwento kaya
lang baka hindi magustuhan ni sir baka sabihin na naman sipsip ako. Baka hindi
na nya ako isasama sa site.
Nakarating na kami ng site. Ginawa akong tagabitbit ni sir ng mga plano at documents. Isinama nya rin ako sa meeting pero sa likod ako nakaupo at sinabihang huwag daw akong magsasalita, makinig lang daw ako. Kasama sa meeting ang mga may-ari ng malaking bahay, architect, civil engineer at marami pang iba. Nagkita kita kami ng mga kasamahan kong nag-apply. Sabi nila matagal pa raw matapos ang project. May mga revision daw ang may-ari ng bahay. Natapos na ang meeting. Pinayagan ako ni sir mag-ikot kasama ang mga kasabayan kong nag-apply.
Tinawag na ako ni sir uwi na raw kami.
Dumaan kami sa Market Market sa Taguig. Isinama nya ako sa isang restaurant na may nagse-serve ng beer kami pumunta.
Basahin ang buong kwento at lahat ng mga kwento sa Legit Gay Stories message lang ako sa Telegram @SCN2020 para mag-avail
Nakakabitin nman.
TumugonBurahinpwede po basahin ang buong kwento nito at lahat ng stories pero need lang mag-avail, kindly message me in my twitter @scorpionights20
Burahin