Lumaktaw sa pangunahing content

Mahal Kita Biyenan

   Mayroon kaming Kapitbahay na gwapo. Siguro lahat ng mga bakla sa aming lugar ay may gusto sa kanya. Sya kasi ay friendly sa mga bakla mula noon hanggang ngayon. Marunong din syang makisama sa mga inuman pero kapag alam nyang malapit na syang malasing ay umuuwe na sya. Pagdating naman sa mga babae sa aming lugar ay halatang umiiwas sya, dahil siguradong mapapaibig nya ang mga dalaga at kahit may asawa pa. Noong binata pa sya ay pinag-aagawan sya ng mga dalaga sa aming lugar. Pero lumuwas sya ng Manila, at pagbalik nya sa amin ay meron na syang asawa na nakilala raw nya sa Manila. Natatandaan ko noong ako ay 7 years old pa lang ay lagi kaming magkasama ni Kapitbahay. Si Kapitbahay ay 25 years old pa lang noon. Pinapalo ako ni tatay noon dahil nagagalit sya pag sasama akong maligo sa ilog kasama ang mga kalaro ko. Sabi ni tatay ay ayaw nyang malunod ako kaya nya ako pinapalo at ipinagbabawal na maligo sa ilog. Pag pinapalo ako ni tatay ay umiiyak ako. Kay...

Houseboy Nagkagusto Sa Among Lalaki

 Galing ako ng probinsya mula sa Cagayan.

Graduate ako ng Electrical Engineering sa probinsya namin.

Lumuwas ako sa Manila para magreview para sa board examination.

Kaya lang hindi ako nakapasa sa board exam.

Nagdadalawang isip ako noon kung babalik ba ako ng Cagayan or maghahanap na lang ng trabaho sa Manila.

Nagdecide na lang ako na magtrabaho para makaipon para sa susunod na board exam.

Kaya lang dalawang buwan na ako nag-aaply ay hindi pa rin ako natatanggap.

Marami naman tumawag sa akin para sa interview kaya lang nagiging priority nila ang may lisensya at meron ng work experience.

Nauubos na ang allowance ko sa pamasahe, pagkain at bayad sa bed spacer na boarding house sa Sampaloc.

Marami naman hiring sa Manila Bulletin Ads na naghahanap ng newly graduate ng Electrical Engineering with or without license kaya lang hindi ako napipili, siguro dahil sa graduate ako sa probinsya mas napapansin ang mga Manila graduate.

Wala na akong pambayad ng boarding house sa susunod na buwan at paubos na rin pambili ko ng pagkain.

Naisipan kong maghanap ng stay-in job na kahit na anong trabaho na.

Marami akong nakita stay-in tulad ng waiter. Pero mas napansin ko ang hiring na houseboy sa isang exclusive village sa Makati.

Houseboy ang kailangan nila pero nakalagay ang maraming requirements. Kailangan daw houseboy na may knowledge sa electrical at plumbing works, at gardener.

Qualified na qualified ako sa electrical, plumbing at pati sa gardener dahil magsasaka kami sa probinsya.

Pagdating ko sa bahay ng naghahanp ng houseboy ay nagulat ako dahil ang daming aplikante.

Sabi ko sa sarili ko pati yata sa houseboy baka di pa ako ang mapipili. 

Kaya siguro ang dami nag-apply kasi nakalagay sa ads na high salary.

At nakausap ko mga ibang aplikante mga iba sa kanila ay mga college graduate din at pareho kami ng situation.

Pinapasok na kami ng house guard sa waiting area malapit sa swimming pool.

Ang ganda ng bahay at napakalaki.

Dumating na ang may ari ng bahay. Mukha pa syang bata pero sabi ng guard nasa 50 na raw.

Sya pala ay isang Electrical Engineer, at contractor ng mga bahay.

Nagsimula na ang interview. Sa tingin ko hindi mahilig sa pasikot sikot ang may ari ng bahay. Kapag tanggap ka yata maiiwan ka muna. Pag hindi ay uuwi ka na.

Mahigit 30 applicant kami at pang-28 ako. Marami ng pinauwe at meron ng apat na hindi pa pinauwe.

Pagdating ng interview binati ko sya agad ng good morning sir.

Marami syang tanong. Personal at technical questions. Para kang nasa grand finalist ng beauty pageant.

Ano ang gagawin mo pag pasok mo sa banyo ay madilim? Sagot ko agad, pundido ang bombilya, ang una kong gagawin kuha ako ng bagong bombilya sa storage at flashlight para icheck ang anumang problema sa loob ng banyo dahil madilim pa.

Kapag nakita mong malakas ang leak ng faucet, ano ang gagawin mo? Sagot ko hanapin ko ang gate valve at isara ko muna para matigil agad ang tagas ng tubig bago ko irepair.

Tinanong ako kung bakit ako nag-aapply na houseboy, sabi ko wala na akong pambayad sa boarding house at wala na rin akong pamasahe pauwe ng probinsya. Naubos na ang pera ko sa pag-aapply hindi pa ako natatanggap.

Paano pag wala ka pang isang buwan nagtratrabaho sa akin at biglang may tumawag sa iyo at tanggap ka na sa malaking company na related sa course mo at high salary?

Ang hirap yata ng tanong pang Miss Universe na.

Sagot ko, ipapaalam ko sa inyo, sir may tumawag sa akin na tanggap na raw ako sa isang malaking company at high salary, yon ang sagot ko sir ipapapalam ko lang sa inyo.

Napangiti sya sa sagot ko.

Paano pag hindi kita pinayagan? Sabi ko okay lang sir dito muna ako sa inyo.

Sayang yong pagkakataon mo? Okay lang sir marami pa naman darating na pagkakataon bata pa naman ako.

Paano naman pag pinayagan na kita na umalis? Sagot ko agad, mamimiss ko kayo sir. Napangiti sya uli.

Lima kaming natanggap. Para kaming Voltes 5.

Yong apat newly registered professionals, electrical engineer, civil engineer, mechanical engineer at nurse. Katulad ko rin pala sila na nahirapan mag-apply at naubos na ang allowance.

Yong apat na registered ay na-assigned sa bagong project ni sir sa Tagaytay. Stay-in sila doon. Requirement ang nurse sa site just in case na may accident.

Akala ko mapapasama rin ako sa site.

Na-assigned nga ako na houseboy sa malaking bahay ni sir. Isa lang pala ang kukunin na houseboy at ako yon. Kumbaga sa contest ng beauty pageant ako ang nanalo, grand winner, Mr. Houseboy.

Gusto ko rin sana sa site lalo na sa Tagaytay, hindi pa ako nakapunta doon.

Sabagay houseboy naman talaga inaplayan ko saka wala pa akong lisensya. Dapat maipasa ko muna ang board exam. Nainggit lang ako sa apat kong kasama.

Nasa kwarto na ako. May sariling banyo ang kwarto ko.

Masaya ako dahil may trabaho na ako. Hindi ko na problema ang pambayad sa boarding house, pagkain at makaka-ipon na ako sa sahod ko.

Sigurado masasarap ang pagkain. Saka mas maganda pa ang kwarto ko kaysa sa dati kong bording house lalo na ang banyo.

Isa pa ang guwapo ni sir. Type ko ang mukha nya pag ngumingiti. Kahit may edad na mukha syang bata pa.

Mabait daw si sir pero mahigpit, istrikto, seryoso, at prangka kung magsalita.

Nasa US pala ang pamilya nya, asawa’t apat na anak. Pabalik balik din sya sa US pero mas gusto raw nya sa Pilipinas tumira lalo pag may project sya.

May apat na mga babae kasambahay tulung tulong daw silang apat sa paglilinis, pagluluto at paglalaba. May isang driver. At dalawang security guard, isa sa umaga, isa sa gabi. Lahat sila ay stay-in din.

Parang ang saya, para kaming isang pamilya. Dapat makasundo ko sila lahat. Lahat pala sila ay mga kamag-anak ni sir sa probinsya.

Ang trabaho ko ay tagalinis ng swimming pool, gardener, tagabuhat pag may mabibigat, tagatapon ng basura, maintenance taga-repair pag may mga sira.

Lagi palang umaalis si sir ng umaga, nagpupunta sa site. Madalas gabi na pag umuuwe.

Ako ang nagbubuhat ng mga gamit nya na dadalhin sa site, nilalagay ko sa sasakyan nya, may mga construction materials mostly electrical at mga tools din.

Hindi ako natutulog hanggang hindi pa sya dumarating. Madalas din kasi may mga dala syang bagong biling materials at tools, dinadala ko sa storage.

Kapag Sabado at Linggo naman ay hindi sya nagpupunta ng site pero madalas din umaalis. Pumupunta sa mga kaibigan nyang mayayaman. Madalas daw naglalaro sya ng golf.

Inaasikaso ko rin mga ibang dadalhin nya sa golf at iba pang gamit depende kung saan ang lakad nila.

Lumipas na ang dalawang buwan.

Isang gabi ng Sabado. Alas 10 na wala pa rin si sir. Madalas kasi ang dating nya, 8 or 9. Sabi ng guard huwag ko na raw antayin, matulog na raw ako. Sabi ko baka magalit si sir.

Dumating si sir ng alas 12 hating gabi na. Sinalubong ko agad sya. Lasing sya. Sabi ng driver nya naparami raw ng inom.

Nagulat na lang ako dahil nagalit sa akin si sir. Wala daw akong common sense. Bakit daw hindi pa ako natutulog? Paano raw ako magiging engineer kung hindi ako marunong magdesisyon? Hindi na raw dapat ako mag-antay ng ganitong oras. Masyado kang sipsip sabi pa nya.

Napahiya ako. Hindi ako kumibo. Tahimik lang ako. Nagulat din ako dahil first time kong mapagalitan. Pumasok na ako sa room ko. Napaiyak na lang ako sa kwarto ko.

Hindi ako makatulog. Nasaktan ako sa sinabi ni sir. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa. Tama naman sya. Dapat hindi na ako nag-antay. Pwede naman ipagpabukas yong mga gamit na ibababa. Tama sya sumisipsip nga ako sa kanya. Yon ang isang dahilan. Gusto ko kasi lagi akong masipag sa paningin nya. Gusto kong isipin nya na maasahan ako kahit anong oras. Kaya lang napasama rin ako sa kanya.

Ang totoo gusto ko talagang sumipsip sa kanya. Dahil si sir lang ang inaasahan ko sa Manila. Sya ang makakatulong sa akin sa mga pangarap ko.

Kaya lang matalino talaga sya. Nabasa nya ang laman ng isip ko.

Kinaumagahan, nahiya akong lumabas ng kwarto ko. Parang nahiya akong magpakita kay sir. Saka pakiramdam ko ay may tampo ako sa kanya. Hindi ako galit pero parang naiinis din ako kay sir, nagtatampo ako sa kanya.

Hinahanap daw ako ni sir. Pumunta sa room ko ang driver. Wala daw silang lakad ngayong Linggo. Kaya day-off ng driver. At si sir naman baka sa bahay lang mag-stay buong araw.

Mabuti na lang day-off ko rin tuwing Linggo. Kadalasan kahit day-off nagtratrabaho pa rin ako. Pero kung minsan lumalabas din ako ng bahay para mamasyal sa mall.

Tinatanong daw ako ni sir pag kumain na ako.

Lumabas na ako ng kwarto ko. Baka sabihin paimportante ako, houseboy lang naman ako.

Sumilip muna ako sa kusina. Ayaw ko kasi makita si sir. Pagsilip ko andon pa si sir katatapos kumain, at eksakto na napatingin sya sa akin. Napa-atras ako. Nagtago ako sa dingding na parang bata. Nahiya talaga ako sa kanya. Narinig ko na lang ang boses nya na huwag daw akong pilitin pag ayaw kong kumain. Halatang pinaparinig sa akin.

Bumalik na lang ako uli sa kwarto ko.

Pagkalipas ng isang oras gutom na talaga ako. Sumilip uli ako sa kusina. Mabuti na lang wala na si sir. Kaya lang nasa kusina na ako saka ko lang napansin na nasa sala sya at nagbabasa yata ng dyaryo.

Kumain na ako. Umupo ako patalikod para hindi ko sya nakikita.

Tapos na akong kumain. Hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Bigla kong narinig ang boses ni sir. Bigyan ko raw sya ng tubig. Hindi ako sumagot pero kumuha ako ng tubig.

Pag-abot ko sa kanya ng tubig nakatingin si sir sa akin, tumingin din ako at napayuko.

Paalis na ako. Nakatalikod na ako. Bigla nyang sinabi na maupo ako.

May sasabihin daw sya.

Prangka talaga si sir. Saka sya ang boss kaya deretso sya magsalita sa akin.

Sinabi nya kapag galit daw ako sa kanya anytime daw pwede ako umalis sa bahay nya. Ayaw daw nyang may nagagalit sa kanya sa pamamahay nya.

Nagulat ako sa sinabi nya. Napayuko na lang ako na halos mapaiyak. Sobrang lungkot na ang mukha ko Napansin ko sa kanya na naawa rin sya sa akin.

Tumayo ako at prangka ko rin sinabi sa kanyang sige po aalis na ako kahit mamimiss ko kayo sir, hindi po ako galit pero nagtatampo lang po ako sir. May konting luha na tumulo sa mata ko. Nakita ni sir yon. Tumalikod na ako.

Parang nagisisi ako sa sinabi ko. Ayaw kong umalis. Nabigla lang ako kaya nasabi ko na aalis na ako. Hindi naman nya ako pinapaalis. Sabi lang nya anytime pwede ako umalis. Wala syang sinabi na umalis ka na sa bahay na ito.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayaw ko talagng umalis. Saan ako pupunta? Hindi pa ako ready. Magtatlong buwan pa lang ako. Kulang pa ang naipon ko. Sana pigilan nya ako. Sana may pumigil sa akin na huwag umalis. Kaya lang walang pumipigil. Day off kasi ng driver baka tulog pa. Yong driver sana ang inaasahan kong pipigil sa akin. Kailangan kong panindigan ang sinabi ko na aalis na ako.

Nagsisimula na akong mag-impake ng gamit. Tumutulo ang luha ko. Naalala ko mga magagandang payo sa akin noon ni sir na maging masipag ako para umasenso, kahit anong trabaho ay dapat gampanan ko ng maayos ang trabaho ko. Kaya nga ginagampanan ko ang trabaho ko bilang houseboy. Sinabi nya sa akin na pag darating sya ako ang magbababa ng mga gamit at dalhin sa storage. Ginawa ko naman lahat ng utos nya. Siguro nagmukha akong sipsip sa paningin nya.

Saka sinabi nya sa akin dati na pag maganda raw ang performance ko sya na raw ang bahala sa gastos ko sa review at board exam. Umasa ako sa sinabi nya na tutuparin nya ang pangako nya. Kaya nagpakasipag talaga ako. Pero sa isang iglap lang, nag-iimpake na ako at aalis na sa bahay nya.

Saka mamimiss ko na ang bahay na ito. Yong magandang samahan naming mga kasamabahay para na kaming pamilya. Mamimiss ko sila lahat. At lalo na si sir mamimiss ko sya. Mabait sya. Nagtampo lang ako.

Malapit na ako matapos mag-impake. Napansin kong parang may dumarating papalapit sa kwarto ko. Sana gising na yong driver at sabihin huwag ako umalis.

Nagulat ako si sir ang dumating. Sabi ko sa sarili ko sana pigilan nya ako.

Tinawag ako ni sir at pinasunod sa office nya. May office si sir malapit sa swimming pool.

Sinabi nya sa akin na hindi daw ako pwedeng umalis dahil may pinirmahan akong kontrata na one year. Napangiti ako. Napansin ni sir yon. Hindi ko mapigilang ngumiti. Kulang na lang tatalon ako sa tuwa. Kahit si sir napansin ko rin na natuwa sya.

Bumalik na ako sa room ko at doon ako nagtatalon sa tuwa. Sa tingin ko okay na kami ni sir at kailangan back to normal na rin ako. Wala ng tampo tampo. Dagdagan ko pa ang sipag ko.

Kinaumagahan sinabi ni sir na kumain na raw ako at isasama nya ako sa site.

Hindi ako makapaniwala, isasama ako ni sir sa site, sa project nya sa Tagaytay. Makakapasyal ako. Maganda raw sa Tagaytay.

Sa harap ako nakaupo. Si sir sa likod nakaupo. Walang nagsasalita. Ganito kaya lagi hindi nag-uusap ang driver at si sir. Parang gusto ko magkwento kaya lang baka hindi magustuhan ni sir baka sabihin na naman sipsip ako. Baka hindi na nya ako isasama sa site.

Nakarating na kami ng site. Ginawa akong tagabitbit ni sir ng mga plano at documents. Isinama nya rin ako sa meeting pero sa likod ako nakaupo at sinabihang huwag daw akong magsasalita, makinig lang daw ako. Kasama sa meeting ang mga may-ari ng malaking bahay, architect, civil engineer at marami pang iba. Nagkita kita kami ng mga kasamahan kong nag-apply. Sabi nila matagal pa raw matapos ang project. May mga revision daw ang may-ari ng bahay. Natapos na ang meeting. Pinayagan ako ni sir mag-ikot kasama ang mga kasabayan kong nag-apply.

Tinawag na ako ni sir uwi na raw kami.

Dumaan kami sa Market Market sa Taguig. Isinama nya ako sa isang restaurant na may nagse-serve ng beer kami pumunta.

Basahin ang buong kwento at lahat ng mga kwento sa Legit Gay Stories message lang ako sa Telegram @SCN2020 para mag-avail

 


Mga Komento

  1. Mga Tugon
    1. pwede po basahin ang buong kwento nito at lahat ng stories pero need lang mag-avail, kindly message me in my twitter @scorpionights20

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mahal Kita Biyenan

   Mayroon kaming Kapitbahay na gwapo. Siguro lahat ng mga bakla sa aming lugar ay may gusto sa kanya. Sya kasi ay friendly sa mga bakla mula noon hanggang ngayon. Marunong din syang makisama sa mga inuman pero kapag alam nyang malapit na syang malasing ay umuuwe na sya. Pagdating naman sa mga babae sa aming lugar ay halatang umiiwas sya, dahil siguradong mapapaibig nya ang mga dalaga at kahit may asawa pa. Noong binata pa sya ay pinag-aagawan sya ng mga dalaga sa aming lugar. Pero lumuwas sya ng Manila, at pagbalik nya sa amin ay meron na syang asawa na nakilala raw nya sa Manila. Natatandaan ko noong ako ay 7 years old pa lang ay lagi kaming magkasama ni Kapitbahay. Si Kapitbahay ay 25 years old pa lang noon. Pinapalo ako ni tatay noon dahil nagagalit sya pag sasama akong maligo sa ilog kasama ang mga kalaro ko. Sabi ni tatay ay ayaw nyang malunod ako kaya nya ako pinapalo at ipinagbabawal na maligo sa ilog. Pag pinapalo ako ni tatay ay umiiyak ako. Kay...

Mahilig Sa Foreigner

   I was once a cook on board, tapos nagsearch ako ng mga gay dating site online , doon ako nagsimula. Once my account na ako nagstart na akong magchat sa mga oldies, video call, chat room din, halos package site na. Iba ibang lahi din yung ka-chat ko, may American but mostly European. May dalawa akong naging close, isang Austrian at Belgian. Pero mas type ko yong Austrian kasi bear type at gwapo. Si Belgian naman slim na makapal ang bigote, tall, mabait pero serious type at iba pag magalit. One time tinanong ako ni Austrian kung may boyfriend na daw ako? Sabi ko meron na isang professor (Belgian). Kahit may boyfriend na ako panay chat ko pa rin kay Austrian kasi type ko talaga sya. At one time nag cam to cam kami since onboard ako kaya no chance na mag-meet dahil sya nasa Austria at ako ay nasa Germany. Kalaunan bihira na lang kaming magchat kahit my cellphone number ako sa kanya. Pero one time tumawag ako sa kanya at kinumusta at nalaman ko na may boyfriend n...

Boso Sa Aking Stepdad

  Nagkaroon ng bagong asawa si mama. Matagal na kasing nasa kabilang buhay si papa. Maliit pa ako noon. Ngayon binata na ako biglang may ipinakilala si mama sa akin. Sya ang aking magiging stepdad. Gwapo ang aking stepdad kaya siguro nagustuhan sya ni mama. At sa unang tingin ko pa lang sa aking stepdad ay nakaramdam na ako agad sa kanya ng pagnanasa. Ngunit hindi ko ipinapahalata sa kanya. At sa tingin ko hindi rin nya alam na isa akong gay dahil kilos lalaki talaga ako. Kahit si mama ay hindi rin alam na ako ay isang gay. Mag-isa lang akong anak.  Maliit lang ang bahay namin. Walang kwarto. Magkasama na ang salas at kusina. May maliit na banyo. Tatlo lang kaming nakatira sa bahay. Mahilig sa inuman si stepdad. Kung minsan hinahatid sya ng mga barkada nya pag lasing na lasing na sya. Kung minsan naman ay sa bahay sila nag-iinuman. Dati rati hindi ko pinapansin ang paglalasing ni stepdad.  Ngunit simula noong isang beses na nalasing sya ay nakita kong nakalabas ang ulo ng...

Mahal Kita Pastor

  First time kung magpunta sa abroad, doon sa Middle East. Isa akong civil engineer. Marami na rin akong napuntahang mga project sa Pilipinas. Okay naman ang kita, pero gusto ko ring maranasang magwork sa ibang bansa bilang civil engineer. May asawa na ako ngayon at may anak na rin. Ang aking Biyenan ay nakilala ko sa abroad. Ang gwapo ng Biyenan ko. Kamukha nya si Lito Lapid. Unang tingin ko pa lang sa aking Biyenan ay gusto ko na syang makasex. Isa akong silahis. Hindi ko nga alam dati kung ano ang ibig sabihin ng silahis. Narinig ko ang salitang silahis sa Professor namin dati sa Filipino subject noong college ako. Ang gwapo ng Professor ko na iyon. Type ko sya pero hanggang tingin na lang ako. Napansin ko lang habang binabanggit nya ang salitang silahis ay napatingin sya sa akin ng isang beses. Inisip ko tuloy na baka nahalata ako ng professor namin. Okay lang sa akin na alam nyang silahis ako dahil type ko si Professor. Kung sakaling magtapat ako sa kanya hin...