Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre 16, 2021

Mahal Kita Biyenan

   Mayroon kaming Kapitbahay na gwapo. Siguro lahat ng mga bakla sa aming lugar ay may gusto sa kanya. Sya kasi ay friendly sa mga bakla mula noon hanggang ngayon. Marunong din syang makisama sa mga inuman pero kapag alam nyang malapit na syang malasing ay umuuwe na sya. Pagdating naman sa mga babae sa aming lugar ay halatang umiiwas sya, dahil siguradong mapapaibig nya ang mga dalaga at kahit may asawa pa. Noong binata pa sya ay pinag-aagawan sya ng mga dalaga sa aming lugar. Pero lumuwas sya ng Manila, at pagbalik nya sa amin ay meron na syang asawa na nakilala raw nya sa Manila. Natatandaan ko noong ako ay 7 years old pa lang ay lagi kaming magkasama ni Kapitbahay. Si Kapitbahay ay 25 years old pa lang noon. Pinapalo ako ni tatay noon dahil nagagalit sya pag sasama akong maligo sa ilog kasama ang mga kalaro ko. Sabi ni tatay ay ayaw nyang malunod ako kaya nya ako pinapalo at ipinagbabawal na maligo sa ilog. Pag pinapalo ako ni tatay ay umiiyak ako. Kay...

Siga Sa Aming Lugar

 Nakatira kami sa isang lugar na maraming tao, magulo, at maraming nag-aaway. Isang lugar sa Manila. At marami rin akong tuksong pinagdaanan sa mga kalaro ko at mga kaklase. Dahil ako ay isang bakla medyo halata, pero ayaw kong aminin, at ayaw kong tanggapin. Lalo na ang tatay ko ay ayaw nyang matanggap na ako ay isang bakla. Natigil lamang ang pangbubully sa akin sa aming lugar noong ipinagtanggol ako ng isang lalaking may tattoo at malaki ang katawan.  Galing ako sa eskwela nang madaanan ko ang grupo ng mga batang naglalaro ng tumbang preso. Nasa 10 years old ako noon. Biglang may bumato sa akin ng tsinelas, may tumawag ng bakla, nadagdagan pa ang sumisigaw ng bakla, nagtatawanan, malakas ang tawanan nila, may bumato uli sa akin ng mga tsinelas, maraming tsinelas, umiyak na ako, patuloy ang iyak ko nang dumating si kuya Roger. Pinagalitan lahat ni kuya Roger ang mga batang tumukso sa akin, at sabi nya na kapag meron pang magbully sa akin ay ibibitin nya ng patiwarik. Natakot...