Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero 23, 2022

Mahal Kita Biyenan

   Mayroon kaming Kapitbahay na gwapo. Siguro lahat ng mga bakla sa aming lugar ay may gusto sa kanya. Sya kasi ay friendly sa mga bakla mula noon hanggang ngayon. Marunong din syang makisama sa mga inuman pero kapag alam nyang malapit na syang malasing ay umuuwe na sya. Pagdating naman sa mga babae sa aming lugar ay halatang umiiwas sya, dahil siguradong mapapaibig nya ang mga dalaga at kahit may asawa pa. Noong binata pa sya ay pinag-aagawan sya ng mga dalaga sa aming lugar. Pero lumuwas sya ng Manila, at pagbalik nya sa amin ay meron na syang asawa na nakilala raw nya sa Manila. Natatandaan ko noong ako ay 7 years old pa lang ay lagi kaming magkasama ni Kapitbahay. Si Kapitbahay ay 25 years old pa lang noon. Pinapalo ako ni tatay noon dahil nagagalit sya pag sasama akong maligo sa ilog kasama ang mga kalaro ko. Sabi ni tatay ay ayaw nyang malunod ako kaya nya ako pinapalo at ipinagbabawal na maligo sa ilog. Pag pinapalo ako ni tatay ay umiiyak ako. Kay...

Pulis Hiwalay Sa Asawa

   Nagmamadali ako. Papunta ako ng DFA. Magrenew ako ng passport ko. Sa wakas nakarating na rin ako sa DFA. Sabi ng driver ng jeep DFA na raw. Bumaba na ako. Mula sa babaan ng jeep may sumalubong sa akin. Isang mamang lalaki na parang hindi pa yata kumakain ang itsura. Pupunta rin daw sya ng DFA. Tutulungan daw ako. Sabi ko huwag na po. Natakot ako sa kanya kasi mukha syang holdaper. Binilisan ko maglakad. Nakarating na ako sa gate ng DFA. Bakit sarado na? Maaga pa naman. Umikot ako sa kabila. Baka nagbago na ng entrance. Sarado pa rin. Nagtanong ako sa guard. Nilipat na raw ang kuhanan ng passport. Ganoon ba. Hindi ko man lang nabalitaan. Pati yong driver ng jeep hindi man lang nabanggit sa akin. Kanina tinanong ko yong driver kung dadaan ng DFA. Sabi nya dadaan daw may konting lakad lang. Yon pala lumang DFA na ang napuntahan ko. Siguro walang kasalanan yong driver kasi hindi ko naman sinabing magrenew ako ng passport. Sabi ko lang DFA. ...

Kandidatong Vice Mayor

   Sikat ako sa aming lugar dahil magaling akong kumanta. Dati rati solo lang ako. Meron akong gitara at minus one. Iniimbitahan nila akong kumanta sa mga kasal, binyag, birthday, pati na rin sa mga lamay at iba pang mga okasyon. Hanggang nagkaroon na ako ng banda. Lalong lumakas ang raket namin. Kung saan saan kami nagpeperform noong may banda na ako. Marami na rin ang mga pulitikong kumakausap sa akin. Ginagawan namin sila ng kanta para sa kampanya. At ang iba ay tumutugtog kami sa kanilang campaign rally. Meron akong asawa at mga anak. Lahat sila ay binata at dalaga na. Friendly rin ako sa aming lugar. Wala akong kaaway. Kaya pag panahon ng eleksyon merong mga lumalapit sa akin para sila ay eendorso ko. Aaminin ko may bayad ang pag endorse ko sa kanila. Tatlong barangay kagawad na ang naendorse kong nanalo. Dalawang kapitan na ang naendorse ko na nanalo. Dalawang municipal kagawad ang nanalo. Isang vice mayor ang nanalo. Ngunit may mga nata...