Nagmamadali ako. Papunta ako ng DFA.
Magrenew ako ng passport ko.
Sa wakas nakarating na rin ako sa DFA.
Sabi ng driver ng jeep DFA na raw. Bumaba na ako.
Mula sa babaan ng jeep may sumalubong sa akin. Isang
mamang lalaki na parang hindi pa yata kumakain ang itsura.
Pupunta rin daw sya ng DFA. Tutulungan daw ako.
Sabi ko huwag na po. Natakot ako sa kanya kasi mukha
syang holdaper.
Binilisan ko maglakad.
Nakarating na ako sa gate ng DFA. Bakit sarado na?
Maaga pa naman.
Umikot ako sa kabila. Baka nagbago na ng entrance.
Sarado pa rin.
Nagtanong ako sa guard. Nilipat na raw ang kuhanan ng
passport.
Ganoon ba. Hindi ko man lang nabalitaan.
Pati yong driver ng jeep hindi man lang nabanggit sa
akin.
Kanina tinanong ko yong driver kung dadaan ng DFA.
Sabi nya dadaan daw may konting lakad lang.
Yon pala lumang DFA na ang napuntahan ko.
Siguro walang kasalanan yong driver kasi hindi ko
naman sinabing magrenew ako ng passport. Sabi ko lang DFA.
Tumawid ako sa kabila.
Sabi ng guard tawid daw ako sa kabila. Mag-abang daw
ako ng sasakyan papunta sa bagong office ng DFA.
Pagdating ko sa kabila, may nakita akong pulis.
Kahihinto lang nya.
Nagtanong ako sa pulis kung saan ang bagong office ng
DFA.
Tinanggal nya ang helmet nya. Natulala ako dahil ang
pogi nya. May edad na sya pero ang lakas ng appeal nya. Namumungay ang mata sa
sikat ng araw.
Tumingin sa akin. Tinitigan ko sya.
Sabi ko nagmamadali po ako sir dahil ang appointment
ko alas 10 AM pero 10:30 AM na.
Pwede po ba ihatid nyo ako sir, magpamasahe na lang
ako sa inyo.
Tumawa sya. Mas lalong pogi sya pag tumatawa.
Tinawag nya yong isang lalaki na may motor din.
Kinausap nya ang lalaki at sinabing ihatid daw ako sa
bagong DFA.
Sinabi nyang ihatid lang ako at huwag pagbayarin.
Kawawa naman pawis na pawis na, sabi ni mamang pulis.
Pawis na pawis na nga ako. Mainit kasi ang panahon.
Noong una bigla akong natakot sa lalaking maghahatid
sa akin.
Pero nakakwentuhan ko habang papunta na kami sa bagong
DFA.
Trabaho raw nya talaga ang maghatid ng pasahero.
Sabi ko, bakit ayaw akong pagbayarin ni mamang pulis?
Sabi nya, mabait daw yon. Kumpare daw nya yon.
Lugi ka kuya.
Okay lang. Naawa siguro sa iyo yong kumpare kong pulis
na yon kaya libre ka raw.
Pagdating namin sa bagong DFA, binabayaran ko pa rin
yong naghatid sa akin.
Pero ayaw nyang tanggapin. Kasi yon ang bilin ng
kumpare nyang pulis.
Sabi ko na lang, thank you po, ingat kayo.
Sabi ko sa sarili ko, ang dami pa palang mababait sa
Pilipinas.
Tapos na ang application ko ng passport renewal. Umuwe
na ako.
Habang nasa sasakyan ako. Iniisip ko si mamang pulis.
Hindi maalis sa isip ko ang mukha nya. Ang pogi nya. Type ko sya. Saka mabait
sya.
Tinandaan ko ang pangalan nya. Nakita ko ang pangalan
nya kanina sa suot nyang ID.
Basahin ang buong kwento at lahat ng mga kwento sa Legit Gay Stories message lang ako sa Telegram @SCN2020 para mag-avail
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento