Ako
ay 7 years old pa lang noong naghiwalay sina tatay at nanay.
Si tatay ay tumira na sa probinsya kasama
ang tatlo kong mga kuya.
Hindi ako isinama ni tatay dahil hindi raw
nya ako tunay na anak. Ako ay anak daw sa naging lalaki ni nanay.
Ipinagtapat sa akin ni nanay noong ako ay
10 years na bago sya pumanaw dahil sa sakit.
Dahil sa pagpanaw ni nanay nagkita kita
kami ng mga kapatid ko at si tatay sa burol ni nanay.
Ngunit pagkatapos ng burol hindi pa rin
ako isinama ni tatay.
Ang dahilan pala ay kukunin daw ako ng
tunay kong tatay at titira ako kasama ang tunay nyang pamilya.
Tumira ako sa tunay kong tatay pero hindi
ako naging masaya dahil lagi akong pinapagalitan ng step mother ko. At ang
tunay kong tatay ay hindi rin ako nakaramdam ng pagmamahal sa kanya. Pati ang
mga kapatid ko kay tatay ay malayo rin ang loob sa akin.
Noong dumalaw ang kapatid ni nanay ay
nagpumilit akong sumama sa kanya.
Kaya tumira ako kay Tita na kapatid ni
nanay.
Naging masaya ako sa pamilya ni Tita.
Itinuring nila akong kapamilya. Ang mga pinsan ko ay naging close ko rin.
Ngunit nagulat ako noong ako ay 15 years
old, sinundo na ako ng kapatid ko. Sabi nya sama na raw ako sa probinsya at
doon na titira.
Nasa bus na kami, katabi ko ang kuya ko na
panganay namin. Hindi ko mapigilan ang umiyak.
Mamimiss ko kasi sina Tita, Tito at mga
pinsan ko.
Pati mga kaklase ko at mga naging kaibigan
ko ay baka hindi ko na sila makikita.
Ang buhay sa Manila ay mamimiss ko
rin.
Iba na raw kasi ang buhay sa probinsya.
Hindi na ako makapagsimba sa Quiapo
church.
Hindi na ako makapasyal sa Ever Gotesco,
Isetann at SM.
Mamimiss ko ang mamasyal sa Luneta kasama
ang girlfriend ko.
Tatlong buwan pa lang kami ng girlfriend
ko Ngunit maghihiwalay na kami.
Ayaw ko sanang tumira sa probinsya dahil
nasanay na ako sa buhay Manila.
Dumating na kami sa probinsya.
Nagkita kita kami uli ng dalawa ko pang
kuya. Niyakap ko rin si tatay pero halata kong hindi pa rin nya ako tanggap.
Pero naintindihan ko si tatay at hindi ako galit sa kanya.
Nakilala ko rin ang ibang pinsan ko.
Isa sa mga pinsan kong lalaki na si Dante
ay kaedad ko. Kaya sa susunod na pasukan ay pareho na kaming 4th
year high school.
Kaya si Dante ay naging close ko at sya
madalas kong kasama.
Lagi nya akong isinasama sa ilog para
maligo. At sa gilid ng ilog ay may mga iba’t ibang puno.
Lagi kaming umaakyat sa mga puno para
kumuha ng bunga.
Merong mangga, duhat, sampalok, kamatsile
at marami pang iba.
Gusto ko ang lasa ng kamatsile kaya
madalas kami kumuha ng pinsan ko.
Hanggang isang araw may napansin akong
isang matandang lalaki na naliligo sa ilog kasama ang kanyang kalabaw malapit
sa pinagkukuhanan namin ng kamatsile.
Basahin ang buong kwento at lahat ng mga kwento sa Legit Gay Stories message lang ako sa Telegram @SCN2020 para mag-avail
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento