Isa akong Junior Engineer sa Qatar noon.
Ang project
namin doon ay ang bagong airport ng Doha, Qatar.
Na-meet ko
doon ang isa sa Senior Engineer.
Dahil pareho
kaming Ilocano naging malapit kami sa isa’t isa ni Senior Engineer.
Madalas nya
akong yayain sa kanyang kwarto para mag-inuman. Kung minsan kasama rin namin sa
inuman ang iba pang engineers.
Ilang beses
na rin kaming pumunta sa Souq, City Center at iba pang mall sa Doha. Kumakain
kaming dalawa. Madalas sya ang naglilibre sa akin. Pero kung minsan nililibre
ko rin sya.
Madalas kami
magkasama pag bibili ng mga groceries at mga gamit.
Pagdating sa
trabaho lagi ko syang sinusunod dahil sya ang superior ko. Kaya sa lahat ng mga
Junior Engineers, mas gusto nya akong kasama sa trabaho.
Noong
nagbakasyon sya, may pasalubong sya sa akin. Binigyan nya ako ng adobong baboy
at ginisang bagoong alamang.
Lumipas din
ang ilang buwan ay bakasyon ko na rin.
Magbabakasyon
ako dahil magpapakasal ako. Kinuha ko syang ninong ko sa kasal. Natuwa sya.
Tinanong nya
ako kung may time ako papunta sa Baguio City. Sabi ko meron po dahil malapit
lang naman ang La Union sa Baguio City.
Meron daw
syang ipapadala sa asawa nya. Mas maganda po na may ipadala kayo para maibigay
ko na rin ang wedding invitation sa asawa nyo.
Binigay nya
sa akin ang kanilang address sa Baguio City.
Natuloy ang
uwe ko.
Nagpunta
kami ng mapapangasawa ko sa Baguio City para ibigay ang padala ni Senior
Engineer sa asawa nya at maibigay rin namin ang wedding invitation.
Nahanap
namin agad ang bahay dahil ang binigay na address ay alam ng taksi driver na
sinakyan namin.
Binigay
namin ang padala at wedding invitation.
Sabi nya ay
makakapunta raw sya sa kasal namin.
Natuloy ang
kasal. Natapos ng maayos ang kasal namin.
Nakapunta
ang asawa ni Senior Engineer sa kasal namin. Meron syang ibinigay na regalo. At
tinanong ako kung kelan balik ko sa Qatar. Meron syang ipinadala para sa asawa
nyang si Senior Engineer.
Nakabalik na
ako sa Qatar. Nagkita na kami ni Senior Engineer. Ibinigay ko ang padala ng
asawa nya.
Binati nya
ako sa aming kasal. At binigyan nya ako ng 500 Qatar Riyal bilang regalo sa
aming kasal.
At sinabi
nyang ninong na raw ang tawag ko sa kanya. Opo ninong sabi ko. Pero pag nasa
trabaho tayo sir pa rin ang tawag ko sa inyo.
Basahin ang buong kwento at lahat ng mga kwento sa Legit Gay Stories message lang ako sa Telegram @SCN2020 para mag-avail
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento