Nagrereview ako noon para sa board examination ng civil engineer.
Ang nahanap kong boarding house ay malapit sa PRC.
Maraming kwarto ang boarding house na iyon.
Iba iba rin ang mga kurso or profession ng mga kaboardmates ko.
Ang natatandaan ko na pinakamaraming boarders ay mga seaman.
Ang iba sa mga seaman ay nagrereview rin ng board exam para tumaas ang position nila sa barko.
Ang iba naman sa kanila ay nag-aantay na sumakay uli sa barko.
Apat lang kami sa isang kwarto. Pero anim ang pwedeng bed spacer.
Ang isa ay seaman na nag-aantay na sumakay uli sa barko.
Ang isa naman ay nagtratrabaho na sa bangko.
Ang isa naman ay nagrereview ng accountant.
Ang seaman ay naging malapit sa akin dahil palabiro sya.
Mahilig syang magjoke pero hindi ako natatawa sa mga jokes nya.
Siguro dahil naka-concentrate lang ako sa pagrereview kaya hindi ko iniintindi ang mga jokes nya.
Lagi rin nya ako niyayaya na sabay raw kami kumain sa canteen sa labas.
Alam daw nya ang mga canteen na masasarap ang luto.
Noong una ayaw kong sumabay sa kanya.
Pero noong sumunod na araw ay sumama na ako sa kanya.
Pagkatapos naming kumain bigla nya akong biniro na magbayad na raw ako pati yong kinain nya. Alam kong biro lang iyon dahil nangingiti sya.
Pero sinabi nya sa akin na ililibre raw nya ako ngayong araw at sa susunod ay kanya kanya na kami.
Halos araw araw ay nagsasabay na kami sa kainan.
Kanya kanya kami sa bayaran.
Madalas dalawang putahe ang order nyang ulam. Pero ako madalas gulay lang. Kaya binibigyan nya ako ng ulam.
Lagi rin nya akong sinasabihan na huwag daw puro review, kailangan ko rin daw magrelax.
Niyaya nya ako manood ng sine. Sabi ko next time na lang.
Niyaya nya rin ako magkaraoke sa mall. Uso pa kasi ang karaoke dati sa Ever Gotesco at Isetann mall. Sabi ko next time na lang.
Dalawang buwan pa lang kami magkakilala ni seaman ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya.
Basahin ang buong kwento at lahat ng mga kwento sa Legit Gay Stories message lang ako sa Telegram @SCN2020 para mag-avail
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento