Noon ay nasa college ako sa isang university sa Sampaloc.
Boarding house ko noon ay bedspacer malapit sa Espana.
Kapag tanghali ay kumakain ako sa mga canteen malapit sa university.
Malapit sa canteen ay may madalas na nakatambay na nagtitinda ng ice cream na may kalembang.
Lagi akong bumibili panghimagas pagkatapos kong maglunch.
Noong una hindi ko pinapansin ang tindero ng ice cream.
Pero habang tumatagal napapansin kong may itsura pala ang nagtitinda ng ice cream.
Sa tingin ko may edad na sya pero gustung gusto ko ang porma nya.
Lagi syang may sombrero na parang kowboy.
Madalas ang short ay mula sa mga pinutol na maong. At ang damit ay laging puti na malinis tignan.
Lalo akong napahanga sa kanya noong may isang batang gusgusin ay binigyan nya ng ice cream ng libre. Tuwang tuwa ang bata na umalis habang kumakain ng ice cream.
Napangiti si mamang sorbetero sa ginawa nyang pamimigay ng libre sa batang gusgusin.
Dahil sa ngiti ni mamang sorbetero lalong lumabas ang pagkapogi nya.
Lagi pa rin akong bumibili sa kanya pero nahihiya akong makipag-usap sa kanya. Gusto ko sana syang makilala at maging kaibigan.
Hanggang isang araw na bumili ako ay naubusan na pala ako ng 10 pesos. Ang pera ko ay 500 pesos.
Sabi ni mamang sorbetero ay wala pa raw syang panukli.
At sinabi nya na huwag ko na raw bayaran.
Lalo akong napahanga sa kanya. Mabait talaga sya.
Pagkakataon ko ng makipagkilala sa kanya.
Sabi ko babayaran ko sa susunod na bibili ako.
Ibinigay ko ang pangalan ko. At ibinigay rin nya ang pangalan nya.
Kinabukasan ng tanghali ay ibinigay ko kaagad yong bayad. Pero ayaw nyang tanggapin dahil nasabi na raw nya na huwag ko na bayaran. Ang tinanggap na lang nyang bayad ay yong kinuha ko ngayon.
Nakipagkwentuhan na ako kay mamang sorbetero.
Naging magkaibigan na kami.
Sa tuwing nakikita nya ako ay nginingitian ako at nginingitian ko rin sya.
Ayaw na nga nya akong pagbayarin ng ice cream nya pero sabi ko pag hindi nyo tatanggapin ang bayad ko hindi na ko bibili sa inyo.
Tumawa sya at sinabing gusto ko lagi kang bibili sa akin para lagi tayong magkikita.
Kinilig ako sa sinabi ni mamang sorbetero.
Naging close friend na kami ni mamang sorbetero. Itinuturing ko na syang best friend ko.
Ilang beses ko na syang niyaya at kumain sa fast food restaurant. Sa Isetann kami nagkikita pagkatapos nyang magtinda ng ice cream.
Kung minsan binibigyan ko sya ng mga groceries.
Lumipas ang ilang buwan ay hindi ko na nakikita si mamang sorbetero.
Basahin ang buong kwento at lahat ng mga kwento sa Legit Gay Stories message lang ako sa Telegram @SCN2020 para mag-avail
Walang nangyaring sexual?
TumugonBurahinmeron sa buong kwento, message mo ako sa twitter @scorpionights20
BurahinSana ako rin Sampaloc Manila 09265902134
TumugonBurahinBitin naman yan boss. May karugtong ba yan?
TumugonBurahinmeron po, chat ka sa twitter @scorpionights20 for details
Burahin