Barangay Tanod sya sa aming lugar. Mapagkaibigan ngunit matapang. Nirerespeto. Masipag magronda.
Marami nga ang nag-uudyok sa kanyang kumandidatong kagawad o kapitan.
Ang sagot lang nya ay hindi pa ngayon.
Maganda ang asawa nya. Meron silang apat na anak. Puro binata na ang mga anak nya. Lahat sila ay may mga trabaho na. Pero wala pa silang mga asawa siguro nag-iipon muna.
Kaibigan ko si Barangay Tanod. Marami syang kaibigan sa lugar namin. Isa na ako.
Mahilig din syang mag-inom. Pakikisama.
Pero hindi sya yong tipong pag lasing ay madaldal o mayabang na o nagwawala na.
Simple lang sya. Igagalang mo talaga sya.
Meron silang maliit na canteen. Asawa nya ang nagmamanage. Magaling daw magluto ang asawa nya.
Hindi naman kami dati magkakilala.
Malayo ang bahay ko sa kanila.
Nakilala ko lang sya noong nakipag-away ang anak ko sa basketball.
Hinatid nya ang anak ko sa bahay.
Pinatuloy ko sya sa bahay. Inalok ko sya ng inumin. Softdrinks at tinapay.
Tinanong ko sya kung anong nagyari sa basketbolan. Nakipagsuntukan daw ang anak ko. Wala namang sugat ang anak ko. Pero ang sinuntok pala nya ang may sugat.
Anak ko pala ang unang sumuntok. At dumugo ang ilong ng sinuntok nya.
Kaya pala nagpunta si Barangay Tanod sa bahay.
Sinabi sa akin ng Barangay Tanod ang gagawin.
Bago umalis si Barangay Tanod ay sinabihan ko syang pasyal lang sya sa bahay.
Pinangako naman nya na asahan ko raw na babalik sya.
Nakipag-areglo ako sa naka-away ng anak ko. Mababait naman ang pamilya nya. Sinagot ko ang mga gastusin sa pagpagamot at nagboluntaryo akong magbigay ng pera. Humingi na rin ng pasensya ang anak ko.
Bumalik nga si Barangay Tanod sa bahay. Wala daw syang duty.
Basahin ang buong kwento at lahat ng mga kwento sa Legit Gay Stories message lang ako sa Telegram @SCN2020 para mag-avail
Mga Komento